Saturday, May 15, 2010

Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan magtutungo. Isinisiksik ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga.

Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayunman, kahit na saan siyang magsiksik, kahit na saan siya magtutungo, kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay lalong nanunuot sa kaniyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang sarili kung wala na siyang nauulinigang ano mang taginting ng kampana.

“Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod namang itinugon ng kanyang ina paniwalang-paniwala hindi nga naririnig ang malungkot na animas.


“Ngunit Marcos..” ang baling uli na matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa?” iya’y pagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Lalo ka na Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Una-una’y ang iyong ama,ikalawa’y ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita.” Ang hul;ing pangalan ay binigkas na marahan ng matandang babae.

Si marcos ay di kumibo. Samantalang pinararangalan siya ng kaniyang ina, ang mga mata niyang galing sa pagkapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahan siniputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya magsasalita. Subalit sas kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may nangungusap may nagsasalita.

“Dahil din sas kanila, lalung-lalo na kay Anit, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw,” ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang labi hanggang sa dumugo upang ipahalata sa ina ang pagkukuyom ng kanyang damdamin.

Akala nang ina’y nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matandaay nabasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagkat hindi pa natatagalang namatay si Anita, ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pagpupunyaging matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng pag-iimpok na ginawa upang maging isang ulirang anak-pawis ay ukol kay Anita. At saka namatay! Nararamdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayong dagok ng kasawian. Dapat ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ang kanyang ibig libangi. Ito ang nais niyang aliwin. Kung maari sana’y mabunutan ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara.” “Si Inang naman,” ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasabi nang malakas. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano kapait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyayari sa pagkamatay nito.

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” ang nasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang kanyang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan na ipinalalagay niyang kaluluwa ni Anita, “ disi’y hindi ako itataboy sa kasiyahan.

Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang palay, nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating na taglay ang utus ng hukumang sila’y pinaalis sa kanilang lupang kinatatayuan , at sinamsamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ni Marcos sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.

“Anak ko!” ang palahaw na panngis ng matandang babae sabay kapit sa leeg ng anak. “Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”

Ang tinig ng matanda ay nakapagpapalubag sa kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa- isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

Ang sabi’y talagang sa kanunununuan ng kaniyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil ng buwis at walang sino mang nakikialam sa ano mang bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging ano man sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa at sinasabing kanila. Palibhasa’y wala silang maibayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilin ang kanilang karalitaan upang tangkilin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit habang nagtatagal ay unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa may lupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan at talindawa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ng loob ng kay Don Teong. Ang kapatid niya’y namatay dahil sa paglilingkod sa bahay nito at higit sa lahat, nalalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagkat natutop ng amang nakipagtagpong minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.

Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, maging isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng mallaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang lkalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang lamo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskwelahan sa silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Ngunit gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sas pagkatuto sapagkat sa pabanib niya sa mga samahang pambayn ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sarilng wika na hindi binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbabasa rin siya ng nobela at ibang akdang katutuhan niya sa wikang Tagalog, o kaya’y salin sa wikang ito.

Lalo na ng magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang balang araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala siya sa kasabihang “ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay ay sadyang magkapantay,” ay tinatanggap din niya ang palasak na kawikaang “ ang katapat ng langit ay pusalian”. Dahil diyan kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili nang pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.

At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsa si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitan ng langoy na hampastikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawatin ang kaliwa niyang bisig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawang niyang paa sa ilalim kayat pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagtikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang.

“Marcos, matagal na rin kitang iniibig,” ang tapat ni Anita sa binata., makaraan ng may ilang buwan buhat nang siya’y mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno ay binubuwisan na nila at sinamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayung kabuktutan?

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang bagang. Kinagat niya ang kanyang labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mag kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hininga. Mliit naman ang kanilang bayan upang malihaim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalamang may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkakatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.

Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang inibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binibuwisan. Pangangagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang ng patung-patong. Pagkamatay ng kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang kapatid. At saka noon pagtatangka sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli, ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulong ng kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapuwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis siya roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliit. Magtiis tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat ng limang alaga niya. Llumabas siya sa bukid at hinampasan niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumangatngat sa kanyang puso. Gaaanong pawis ang nawala sa kanya upang masaka ang naturang bukid? Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y magbungng mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at matutungo sa ibang kamay?

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man nyang magdimlan ng isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, subalit ang alaala ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig upang huwag niyang pabayaan ang kaniyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay, bago nalagutan ang kanyang ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y nagsasarili. “Tutungo tayo sa hilag at kukuha ng homestead. Kakasundo tayo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, di kailangan magkaroon din ako ng gayak na paris niya.”

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina. Wala siyang nalalaman kundi takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa ni Marcos, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ang matanda.

“Marcos,” sabi ng matanda. Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?”

“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, “nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man ay may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.

“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran mo?” tinutukoy ang kalabaw na mahal na mahal ni Marcos. Maaring magpakahinahon si Marcos, subalit ang huling kapasyahan ni Don Teong ay numakaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit hinihingi ng pagkakataon.

Nagunuta niya ang sinabi Rizal na “walang mang-aalipin kung walang napaalipin”. Napahilig siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang kkayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagpapabuwis pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahan na ginawa ni Marcos.

“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter at latigo,anak ko?” ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon paris ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng anak. “Kung tayo po’y makaalis na rito di tayo’y magiging malaya,” ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang tototo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hangganan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, gora, switer at sak adala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugulan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito’y umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigila. Sa gayon ay matulin ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. Kung dumarating siya’y daratnan niya nag kaniyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng matanda. “Akala ko’y napahamak ka na.”

Si Don Teong ay ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kaniyang lupa, ang ipinanganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong si Marcos at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang sinuman. Nalalaman din ng matandang babae na laging dalang rebolber sa beywang ang mayamng asendero buhat ng magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalala ang pagalis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwang sa kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita kay Don Teong ay tila may sinisimpang galit sapagkat bigla na lamang sinibad ang mayamng matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman sa kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang switer sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad angkapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halag sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi gaya ng dating ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang na kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.

59 comments:

Georgina lingas said...

thank you!! this is our latest topic in our Filipino subject

Unknown said...

salamat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Unknown said...

masyadong mahaba </3

Unknown said...

ang haba :( sabi maikling kwento?

Unknown said...

Mraaming typos at grammatical errors subalit detalyado ang kwento. Gayunpaman, maraming-maraming salamat ^_^

LJ Salon and Spa said...

THANKS

kei-kei said...

ang habaaaaaaaaaaaaaa! wala bang buod nito hahaXD joke

kei-kei said...

ang habaaaaaaaaaaaaaa! wala bang buod nito hahaXD joke

Unknown said...

saang bansa po yan ? kung sa ibang bansa po ba yn galing? or filipino lang may gawa??

Unknown said...

saang bansa po yan ? kung sa ibang bansa po ba yn galing? or filipino lang may gawa??

Unknown said...

bakit ang haba naman?

Unknown said...

bakit ang haba naman?

Kimsoyans said...

Wow...
Mikling kwento

lirpanaj00 said...

maikli ba?

lirpanaj00 said...

maikli ba?

Anonymous said...

PUTANGINA GAGO BOBO MGA TAONG NAGAWA NITO AT MGA NAGCOMMENT

Unknown said...

Maikling kwento nga yan. Hindi sinasabing maikling pagkasulat.. Short stories usually aabot lang ng 5 to 15 mins pag ginawan ng video. Hindi aabot ng mga higit sa oras

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Ito ang pinakapaborito kong maikling kwento sa lahat. Pangalawa ay Ang Kalupi. ❤

juicy said...

10/10

juicy said...

shoutout to la salle
wooo

oiro said...

shoutout sa mga tagamchell hakhahakhakahk

Unknown said...

Naparangalan po ba ito ng palanca award?

Unknown said...

wao guys maikling kuwento pala ito, di ako na inform eh :/

Bhocx1ne said...

Napaka galing naman neto amazing!

Unknown said...

Maganda ang istorya

Unknown said...

Ganyab ho talaga ang mga maikling kwento

Unknown said...

Ganyan*

Unknown said...

Nakakainis naman ang haba

Unknown said...

Yoko na tinatamad na si sherwin boi

Unknown said...

Mamaya diko gawin to eh

Unknown said...

ANG BOBO NI CORPUZ -she

Unknown said...

Ang haba tinatamad na kami ni flo

Unknown said...

Ano ang mga tauhan nito?
Ano ang suliranin nito?
ASAP!

Unknown said...

Thank you very much😍

Unknown said...

Sa mga naggugulat at nagrereact na maikling kwento ito, yess. Ma-orient na kayo na sa Panitikang Filipino ganito kahaba ang sinasabing "Maikling Kwento" Talagang tamad lang magbasa ang Pilipino kaya nahahabaan sila agad.

Pero bakit nga ba "Maikling Kwento" ito?
- ito ay mababasa lamang sa iisang upuan lamang
- may isang kakitalan o kaisipan lamang ang nilalaman
- nakasentro sa iisang tauhan at ugali nito.

Unknown said...

Nice story.. Kapupulutan ng aral. 👍

Unknown said...

Correct

Unknown said...

Anung dulog ang ginamit dito miss?

Unknown said...

Yung mga hindi alam alam na maikling kwento ito, siguro hindi kayo nakikinig noong highschool kayo. O di kaya hindi kayo nakapagdiscuss nito sa Filipino... Haha Just saying... Peace..

Unknown said...

POTEK AN HABAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Rolly Abiad said...
This comment has been removed by the author.
Rolly Abiad said...
This comment has been removed by the author.
Rolly Abiad said...

Puwede po bang pakipost din ng mga iba pang akda ni Deogracias Rosario? pleeaaasssseee

Rolly Abiad said...

Kailangan ko lang po

Rolly Abiad said...

Notice me please asap!!!

Unknown said...

shoutout kay trixxie, kritine, denise, at gerard hehehe

Unknown said...

shoutout din kay sir johnryll hehehe

Unknown said...

kritine gawa ka na reqs hihi

Unknown said...

HI SER JOHNRYLL

Unknown said...

MUSTA TAU JAN GROUPMATESSS

Unknown said...

Ang Haba

Unknown said...

Ang haba

Unknown said...

shout out na teacher namin, ma'am baka naman iextend niyo pasahan!

Unknown said...

Maikling kwento ay, hindi literal na maikli talaga .. Makinig din sa fil. Teacher mindam dzai

Unknown said...

*misan

Ginoong Rodrigo said...

Lubos po ang aking pasasalamat sa iyong obra maestra, labis ko po itong pinapahalagahan. Salamat sa iyong pagsisikap sa pagsulat nito

Akooo said...

ay wag mong basahin bhi kung tinatamad ka lang.🥲

Akooo said...

If binasa mo lahat alam mo. Assignment mo yan kaya pag tyagaan mo🥲

Post a Comment