nobela ni Jose P. Rizal
Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra matapos mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang katipan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tyago.
Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang binatamg hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga kababayan, gayundin marahil sa pagmamahal ng bayan sa kanyang yumaong ama.
Nagdaos ng hapunan si Kapitan Tyago para sa pagbabalik ni Ibarra, naroon ang mga kilalang personalidad sa bayang iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan. Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso.
Kalipunan ng mga Maikling Kwento, Tula, Sanaysay, Kasabihan at Dula na nasa wikang Filipino.
Showing posts with label Jose P. Rizal. Show all posts
Showing posts with label Jose P. Rizal. Show all posts
Monday, June 28, 2010
Buod ng Noli Me Tangere
Sunday, June 6, 2010
Sa Aking mga Kababata
tula ni Jose P. Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
sa bayan, sa nayo’t mga kaharian.
at ang isang tao’y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang tagalog tulad din sa latin,
sa Ingles, kastila at salitang anghel,
sapagka’t ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
sa bayan, sa nayo’t mga kaharian.
at ang isang tao’y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang tagalog tulad din sa latin,
sa Ingles, kastila at salitang anghel,
sapagka’t ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
Subscribe to:
Posts (Atom)