tula ni Ildefonso Santos
Marahang – marahang
Manaog ka, Irog at kata’y lalakad
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat;
Di na kailangang
Sapinan pa ang pang binalat-sibuyas,
Ang daliring garing
Sa sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata
Habang maaga pa, sa isang pilapil
Na nalalatagan
Ng damong may luha ng mga bituin;
Patiyad na tayo
Ay maghahabulang simbilis na hangin,
Ngunit walang ingay,
Hanggang sumapit sa tiping buhangin.
Pagdating sa tubig,
Mapapaurong kang parang nangingimi,
Gaganyakin kata
Sa nangaroong mga lamang-kati;
Doon ay may tahong
Talaba’t halaang kabigha-bighani,
Hindi kaya natin
Mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdarapit-hapon
Kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
Sugatan ang paa
At sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon;
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
Lahat, pati puso,
Ay naaagnas ding marahang-marahan.
Kalipunan ng mga Maikling Kwento, Tula, Sanaysay, Kasabihan at Dula na nasa wikang Filipino.
Showing posts with label Tula. Show all posts
Showing posts with label Tula. Show all posts
Friday, June 18, 2010
Sunday, June 6, 2010
Sa Aking mga Kababata
tula ni Jose P. Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
sa bayan, sa nayo’t mga kaharian.
at ang isang tao’y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang tagalog tulad din sa latin,
sa Ingles, kastila at salitang anghel,
sapagka’t ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
sa bayan, sa nayo’t mga kaharian.
at ang isang tao’y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang tagalog tulad din sa latin,
sa Ingles, kastila at salitang anghel,
sapagka’t ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
Subscribe to:
Posts (Atom)